top of page

Wala ka na.

Sa muling pagdilat ng mga mata

Natagpuan ang sarili sa mundong ayaw

Nag-iisip, nakatingin sa kisameng dilaw

Tinatamad at ayaw gumalaw


Nagulat sa tunog, may mensaheng natanggap

Nag-alangan kung bubuksan o iiwan

Hindi nakatiis, unti-unting tiningnan

Umasang ito'y mula sa isang taong t'wing paggising hinahanap


Pagtingi'y nakaramdam ng pagkabigo

Alam na sa sarili ngunit pilit pa ring niloloko

Sa wakas, pabulong na sinabi sa sarili

Isang paalalang kailangan maalala "Wala na siya"


Nagbihis papunta sa eskwela

Piniling suotin ang asul na kasuotan

Parehong damit sa huling beses na nagkita

Doon sa bilihan malapit sa eskwela


Sumakay ng jeep, dinaanan ang kahabaan ng taft

Hindi nanibago 'pagkat ito ang sinakyan

Patungo sa tagpuan kung sa'n naghintayan, kumain, nagtawanan

Sa parehong lugar kung saan din nagpaalam


Nadaanan ang lugar kung saan nagkikita

Ngumingiti habang nakasimangot ang mga mata

Lumingon palayo upang hindi makita

Muli, sinabi sa sarili "Wala na siya"


Umupo nang tahimik, binuklat ang libro

Nagkukunwaring nakikinig sa guro

Hindi gusto ngunit utak ay nasa ibang mundo

Habang nakatulala sa mga salitang nanlilito


Uwian na at oras na para lumisan

Narinig ang mungkahi ng kaklaseng hinahanap ang kasama

Isang sagot ang binato ng isa pa

"Wala na siya"

Naaalala sa halos lahat ng bagay

Makita, marinig, maramdama'y nagpapaalala

Nahihibang sa kakaisip

Kailangan muling gumising "Wala ka na"

1 view0 comments

Recent Posts

See All
Post: Blog2_Post
bottom of page