Naliligaw yata ako...
- christinemaewp
- Nov 22, 2020
- 1 min read
Hindi ko kilala ang mga daang tinatahak,
May mga kalsada na walang pangalan,
May mga tanawing bago sa paningin,
Hindi ito ang lugar na dapat tatahakin.
Ibang-iba sa dapat na mga plano,
Sa pupuntahan mukhang napalayo,
Naliligaw na nga yata ako,
Hindi ko na alam ang daan sa dating tayo.
Comments