top of page

Letters to Rosaline (Prologue)



Isa sa pinakakilala na kwento ang tungkol kay Romeo at Juliet. Kung paanong ang pagmamahalan nila hanggang sa wakas ang naging dahilan upang mapagayos ang pamilya nila. Ito ang kwento na kilala nating lahat, ang kwento ng pagmamahalan ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, kwento ng dalawang kabataan na inilaban ang lahat para sa pagmamahal na alam nilang tama.


Ngunit sa kwento ng pagmamahalan ng dalawa, madalas natin makalimutan ang taong nanonood sa gilid. Nakamasid sa masasayang alaala, nakaabang sa mga ngiti. Ito ka, ikaw yung umaasa na sa kwento ng pagmamahalan nila ay makita niya at maalala na ikaw ang una niyang pinangakuan. Ikaw si Rosaline, pero ang kilala lang ng mga tao ay ang kwento ni Romeo at ni Juliet, hindi ang kwento mo at ni Romeo, hindi ang mga pangako niya sayo, hindi ang mga ngiti na binahagi niya sayo.


Nasaan ka ngayon?


0 views0 comments

Recent Posts

See All
Post: Blog2_Post
bottom of page