Alas-kwatro ng umaga,
Magaabang ako sa terminal ng mga alaala,
Oobserbahan ko lahat ng aking makakasabay,
Kada pasahero'y itatatak ko sa aking isipan.
Alas-singko ng umaga,
Narinig ko ang hudyat na isinigaw,
Nagsasakay na para sa patutunguhan,
Pero nandito ako, nakatulala.
Alas-sais ng umaga,
Inalala ang pangako ng paglalakbay,
Na sa patutunguhan ko dapat,
Kasama ka at hawak ang iyong kamay.
Alas-siyete na,
Nakaalis na ang sasakyan,
Pero ako nandito pa,
Hanggang ngayon inaabangan ka.